Wednesday, 16 October 2013

All people deserved to be loved, pero hindi natin alam kung sila darating satin. Sabi nga ng iba, nandyan lang yan di mo lang nakikita o baka naman nakilala muna pero umalis lang at babalik muli.. I'm turning 22 this coming year, wag ko muna raw isipin ang Lovelife bata pa raw ako para problemahin yun. Darating din si right guy for me, gusto ko sya hintayin pero hindi ako makawala sa isang tao at sa taong mali na mahalin ko. Ang gulo di ba?! May pagkakataon na naiisip ko na sana hindi na lang kami nagbreak ni Mutt baka sakaling di ako nalilito ng ganto. Right?? Pero yun ang will ni God, siguro dahil gusto nya na ibigay namin yung ibang oras namin sa iba, para kasing umiikot lang ang mundo namin sa isa't isa.. 
Ilang beses na kong nasaktan, gusto ko itago yung puso ko sa mga taong gustong manakit sakin, at muling buksan sa taong hihilom at bubuo muli nito. 
Napapaisip ako bago matulog: Kelan kaya darating yung lalaki na mamahalin ako kung sino at ano ako.. Yung tanggap ang lahat sakin at hindi na hahanap ng wala sakin. 
Lord, kung hindi pa po kayo ready na ibigay sya, maghihintay po ako, ang hiling ko lang po ay sya yung tao na maglelead sakin in all things, yung taong tutulong sakin para mapalapit sayo, at sana sya yung tao na hindi ko na kailangan mag desisyon dahil alam nya ang tama sa mali.. Sorry po, kung padalos dalos ako sa desisyon ko. Pero Lord sana po nandyan ka po sa tabi ko para po iguide ako all the time.

No comments:

Post a Comment